Dahil sa malaking halaga ng bayarin ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ospital, ipinapanukala na ipatupad nang unti-unti o 12 buwan ang pagbabayad upang hindi mahirapan ang pasyente.
Inihain sa Kamara ang House Bill 9310 o ang “Patak-Patak COVID-19 Hospitalization Payment Plan”, na naglalayong bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodorigo Duterte na makialam sa hospital fees o bayarin ng mga pasyente ng COVID-19.
Sinabi ni House Deputy Speaker at 1-PACMAN Rep. Michael Romero, may-akda ng panukala, na bagamat ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay nagpapatupad ng rate packages para sa COVID-19, hindi ito sapat para sa mga pasyente na kailangan pang magbayad o mangutang dahil umaabot sa milyun-milyong piso ang hospital bills.
Bert de Guzman