Nagsimula nang maglibot ang rover drove ng China sa planetang Mars, ang ikalawang bansa na matagumpay na nakapag-landing at nakapag-operate sa Mars, pagbabahagi ng state-run Xinhua news agency nitong Sabado.
Inilunsad noong Hulyo ng nakaraang taon, ang Tianwen-1 Mars probe na may bitbit ng Zhurong rover, ay itinuturing na isang malaking milestonr para sa space programme ng China.
Matagumpay na nakapag-landing ang Tianwen-1 sa malawak na northern lava plain na mas kilala bilang Utopia Planitia ng Red Planet nitong nakaraang linggo at nakapagpadala na ng mga larawang kuha sa unang araw ng paglilibot nito sa surface ng planeta.
Inaasahang tatagal ang Mars probe at ang rover nang tatlong buwan upang kumuha ng mga larawan, mangalap ng geographical data, at kumolekta at magsuri ng rock samples.
Ipinangalan ang six-wheeled, solar-powered, 240-kilogramme (530-pound) na Zhurong sa isang Chinese mythical fire god.