BACOLOD CITY – Patay na ang isang umano'y lider ng isang drug syndicate sa Silay City, Negros Occidental nang matagpuan ito sa Baras, Rizal, kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Silay City Police chief, Lt. Col. Robert Petate at sinabing nadiskubre ang bangkay ni Michael Vincent Divinagracia sa Barangay Pinugay nitong Mayo 19. Narekober din ng pulisya sa crime scene ang limang basyo ng bala.

Nakilala aniya si Divinagracia sa pamamagitan ng lisensya nito.

Binanggit ng mga awtoridad na dalawang taon na nilang hindi nakikita si Divinagracia sa kanilang lalawigan at teorya nila, nagtatago ito sa Luzon.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Matatandaang nag-alokpa ang Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) at Silay City government ng P500,000 sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Divinagracia upang ito ay maaresto dahil sa pagiging lider nito sa sindikato ng droga sa probinsya.

Glazyl Masculino