Niyanig ng 5.5-magnitude na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo ng umaga.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nasabing lindol ay naramdaman dakong 10:02 ng umaga.
Angepicenter nito ay may layong 235 kilometro Silangan ng Jose Abad Santos ng nabanggit na lalawigan.
Aabot din sa 113 kilometro ang lalim ng pagyanig na tectonic ang pinagmulan.
Inihayag pa ng Phivolcs na hindi ito magdudulotng aftershocks.
Rommel Tabbad