Nakatagpo ang boksingerong si Eumir Marcial ng isa pang makatutuwang para sa kanyang gagawing pagkampanya sa Olympics.

Nangakong susuportahan ang gagawing pagsabak ni Marcial sa darating na Tokyo Olympics ang pamunuan ng Chooks-to-Go.

"As a fellow Mindanaoan, I feel the struggles of our athletes in that region. We at Chooks-to-Go cannot turn a blind eye on them," pahayag ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas, na tubong Butuan.

Nag-qualify ang 25-anyos na si Marcial sa Summer Games makaraang magwagi sa middleweight division ng 2020 Asia and Oceania Olympic Boxing Qualifiers noong Marso 2020.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mula noon, nagdesisyon siyang maging isang professional boxer at nagsanay sa Estados Unidos bilang preparasyon sa quadrennial meet.

"Siyempre, nape-pressure po ako pero iniisip ko na lang 'yung pressure nandiyan lang lagi 'yan. Gagamitin ko 'yun bilang lakas ko," ani Marcial.

"Inspirasyon ko hindi lang pamilya ko, kung hindi ang buong bansa. Ang daming nagtitiwala sa akin ngayon kaya lalo akong lumalakas ngayon."

"Sobrang masaya ako ngayon dahil nandito yung Chooks-to-Go na grabe yung tiwala sa akin. Yung Chooks-to-Go ay buong puso na kumausap sa akin. Noong nakausap ko si Boss Ronald, lalo akong na-inspire sa mga laban ko kasi tagos sa puso 'yung sinabi niya sa akin," dagdag pa nito.

Humanay si Marcial sa mga basketbolistang sina Kai Sotto, Kobe Paras, Kiefer Ravena, Gabe Norwood, at Paul Desiderio at triathlete Nikko Huelgas bilang mga ambassador ng Chooks-to-Go.

Marivic Awitan

ReplyForward