Kumpiyansa siDepartment of Health Undersecretary Myrna Cabotaje na magagamit at maituturok sa mga mamamayan ang may dalawang milyong AstraZeneca vaccines bago tuluyang ma-expire ang mga ito sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

Ayon kay Cabotaje, na siya ring chairperson ng National COVID-19 Vaccination Operation Center, sa ngayon ay nagamit na nila ang 500,000 mula sa naturang dalawang milyong bakuna.

Inaasahan din aniya na magagamit ang nasa 500,000 pa bago naman matapos ang Mayo, o aabot na sa isang milyon.

“We are happy to note na sa 2 million (AstraZeneca doses), naka-500,000 na tayo isa, dalawang linggo pa lang,” ani Cabotaje.

AFP nagbabala vs. fake news; nanindigang loyal sa Konstitusyon, mga Pilipino

Una nang sinabi ni Cabotaje na ang mga naturang AstraZeneca doses na mawawalan ng bisa sa Hunyo 30 ay maide-deploy nang lahat sa Hunyo 15 habang ang mga mae-expire naman sa Hunyo 31 ay maipapamahagi hanggang sa Hunyo 15.

Nilinaw rin naman ng health official na ang pagpapabilis sa administrasyon ng AstraZeneca doses ay hindi dahil sa expiry date ng mga ito, kundi dahil nais ng pamahalaan na mas maraming mamamayan ang mabakunahan laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Mary Ann Santiago