Hindi na umabot sa finish line ang 21 mananakbo na binawian ng buhay habang sumasabak sa isang 100-kilometre cross-country mountain race sa gitna ng hail storm at malakas na hangin sa China.
Isa sa mga runner na nawawala ang natagpuan dakong 9:30 am, ngunit "had already lost their vital signs," ulat ng state broadcaster CCTV, mula sa local rescue command headquarters.
"This suggests that this incident caused 21 deaths in total," ayon pa sa ulat.
Una nang kinumpirma ng City officials ang 20 namatay at isa pang nawawala sa isang briefing nitong Linggo.
Tinamaan ng extreme weather ang high-altitude section ng marathon na ginaganap sa Yellow River Stone Forest malapit sa Baiyin city sa northwestern Gansu province nitong Sabado ng hapon, ayon sa mga opisyal.
"In a short period of time, hailstones and ice rain suddenly fell in the local area, and there were strong winds. The temperature sharply dropped," ani Baiyin city mayor Zhang Xuchen.
Nagawa namang mailigtas ng mga rescuers ang 18 sa 172 participants ng marathon.
Sa ulat naman ng state news agency Xinhua, ilan sa mga kalahok ang nakaranas ng hypothermia dahil sa panahon, kung saan walo ang patuloy na ginagamot sa mga ospital.
Sikat ang Yellow River Stone Forest para sa “rugged mountain scenery” nito na kalimitang ginagamit na lokasyon sa maraming Chinese television shows at mga pelikula.