Patay ang top-ranking army commander ng Nigeria at ilan pang opisyal matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano dulot ng masamang panahon sa hilagang bahagi ng naturang bansa.

Enero lamang ngayong taon, naupo bilang Chief of Army Staff si commander Lieutenant General Ibrahim Attahiru na itinalaga ni Nigerian President Muhammadu Buhari bilang bahagi ng pagbuhay sa top military command upang mapalakas ang laban sa tumitinding karahasan at higit isang dekadang jihadist insurgency.

Naganap ang air crash sa gitna ng mga balita na malubhang sugatan o posibleng namatay ang lider ng Boko Haram jihadist, Abubakar Shekau, matapos ang engkuwentro sa karibal nitong Islamic State-allied faction.

Sa isang pahayag, inilarawan ni Buhari ang trahedya bilang “one mortal blow to our underbelly, at a time our armed forces are poised to end the security challenges facing the country.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa pamamagitan naman ng Twitter inanunsiyo ng army spokesman na sampung iba pa kabilang ang crew, ang kasamang namatay sa pagbagsak ng eroplano sa north Kaduna state.

Nangyari ang insidente habang papalapag na ang eroplano sa Kaduna International Airport “due to inclement weather,” ayon pa sa armed forces.

Agence-France-Presse