Binatikos ng isang Instagram user si Alice Dixson dahil sa pagtanggap ng aktres ng kanyang second dose ng vaccine sa bansa.
Ibinahagi ng aktres sa social media ang kanyang photo na nagpapakita na nakatanggap na siya ng ikalawang dose ng Pfizer vaccine sa Sta Ana Hospital.
Matatandaang bago ito, una nang ibinahagi ni Alice na nabakunahan siya ng unang dose sa abroad.
Komento ng netizen, “She had the privilege to get vaccinated in the US pala, sana tinapos na nya dun. Nasayang pa yung isang dose.
Dagdag pa ng netizen, “Also, I’m from Manila too and they won’t vaccinate you unless you show your Manila vaccination card showing na sa Manila ka rin nag first dose. So how come she got vaccinated?”
Itinag pa ng online user si Manila Mayor Isko Moreno upang ma-“enlighten” siya hinggil sa paggamit o purpose ng Manila vaccination card.
Tinugon ito ni Alice: “Shouldn’t our system be flexible?”
“Remove the ‘artista’ or special treatment out of the equation… Paano ka for example if you were in my shoes? What would you do? Ako kasi, inabangan ko po talaga ang pag dating ng Pfizer sa Pilipinas kaya nagregister din ako like everyone; Then shinare ko dito yun sites & link process. Other kababayans do not need Pfizer and can still get other brands as guided in the public info links provided. Know that everything will work itself out because more vaccines are coming & everyone will get vaccinated. Wala po masasayang,” sagot ni Alice.
Gayunman, tila lalong na-frustrate ang netizen sa sagot ng aktres: “You said SHOULDN’T OUR SYSTEM BE FLEXIBLE? So you’re saying the system should bend for you? Isn’t that much of an entitlement? It’s not our problem if you chose to get vaccinated in the US and not wait for your second dose. So why should the system adjust for your personal choices? Kung magbebend sya for you, shouldn’t it bend for everyone else in difficult situations?”
Ipinunto rin ng netizen kung paano nag-“take advantage” si Alice at “bending policies” aniya, ay nagpapakita ng “lack of discipline.”
Dagdag pa niya, “Best thing to do is admit she did wrong LOL and stop pretending na sumunod sa protocols when clearly she did not. Simple as that. It’s not bashing if it’s calling out something that’s clearly wrong.”