Unang araw ng Mayo ang orihinal na petsa ng virtual concert ni Vice Ganda na may titulong 'Gandemic: The VG-TAL Concert.’

Matagal na itong pinaplano pero hindi nga matuloy-tuloy dahil sa pabago-bagong rules ng Community Quarantine.

Sa wakas ay tuloy na ito sa Hulyo 17 at 18.

Ano ang aasahan sa unang virtual concert ni Vice Ganda?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi ako singer or dancer. Super patawa ako kaya ninety-percent ay comedy. Gusto kong non-stop ang laughter kaya naghahanap ako ng good materials,” wika ni Vice Ganda.

Very special guest si Anne Curtis at may special number din si Moira. May production number din sina Ice Seguerra at Jake Zyrus para sa LGBT community.

Pinanood ni Vice G ang concerts nina Regine, Sarah G. At Daniel Padilla para alamin ang tinatawag na virtual.

Ano kaya ang magiging kontribusyon ni Ion Perez sa concert na Viva Entertainment ang producer?

Vice at Ion