Isang Historic Filipinotown marker ang nakatakdang pasinayaan sa Los Angeles ngayong taon, pagbahahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kamakailan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Los Angeles Commissioner for the Board of Public Works Jessica Caloza na ang gateway, na inaasahang ang pinakamalaki at “most famous Filipino-American artwork,” ang bubuksan sa Oktubre ngayong taon.
Nakipagtalakayan kamakailan si Consul General Edgar Badajos kay Caloza hinggil sa Historic Filipinotown Eastern Gateway Project.
Idinisenyo ang gateway ni Eliseo Silva, na kilala para sa kanyang Gintong Kasaysayan mural sa Unidad Park sa Historic Filipinotown.
Sinasabing ang mural ang pinakamalaking , “most famous Filipino American artwork” sa United States.
Ang Historic Filipinotown ay isang lugar na nag-aalok ng tradisyunal at trendy Filipino eateries.
Tinalakay din ni Caloza ang nakatakdang aktibidad ng Asian Pacific American Heritage Month Committee (APAHMC) kung saan isa siya sa itinalagang co-chairmen.
Nagpahayag naman si Badajos, ng buong suporta kay Caloza at sa proyekto nito, partikular sa proyektong tumutugon sa tumataas na bilang ng hate crimes laban sa Asian at Asia-Pacific Islander communities sa US.