NUEVA VIZCAYA - Sinampahan ngkasong rape ang isang Chinese matapos ireklamo ng isang dalaga sa Sitio Polloc, Barangay Roxas, Solano ng naturang lalawigan, kamakailan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Shi Zui Li, 35-anyos, may-asawa, isang negosyante at taga-Solano.
Ayon kay Police Provincial Director Col. Ranser Evasco, isinagawa ang pagdakip batay na rin sa reklamo ng isang 19-anyos na empleyada ng kanyang asawa ni Li.
Naghinalaaniya ang biktima na may pinaamoy sa kanya si Li nang pasakayin ito sa kanyang kotse mula sa isang fast food chain hanggang sa dalhin ito sa isang hotel kung saan umano naganap ang panggagahasa, nitong Mayo 17.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law.
Liezle Basa Iñigo