BUTUAN CITY - Niyanig ng 4.4-magnitude na lindol ang bahagi ng 

Surigao del Norte nitong Biyernes ng madaling araw.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology andSeismology (Phivolcs), ang mahinang pagyanig ay naitala dakong 1:00 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter nito sa layong 23 kilometro Hilagang Silangan ng 

Santa Monica sa Surigao del Norte. 

Probinsya

8 buwang gulang na sanggol, kinumbulsyon dahil sa palo ng lola

Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay may lalim na 14 kilometro.

Bukod sa Santa Monica, naramdaman din ang Intensity III sa Burgos, at Intensity sa Surigao City.

Idinagdg pa ng Phivols, tectonic ang pinag-ugatan ng pagyanig at walang inaasahan aftershocks nito.

Mike Crismundo