PANGASINAN - Dinampot ng mga awtoridad ang isang driver matapos magpakilalang pulis nang harangin sa isang checkpoint sa Cabangan, Zambales, kamakailan.

Sa ulat ngPolice Regional Office-Region 3 ( PRO3), nakilala ang suspek na siMedel dela Cruz,43,attaga-6A Davis Street sa Olongapo City.

Hindi na nakapalag ng suspek nang dakpin ng mga tauhan ng Cabangan Municipal Station na nakabantay sa checkpoint sa bahagi ng National Highway sa Barangay Dolores, nitong May 18.

Sinabi ng pulisya, nanggaling ang suspek sa Olongapo City, sakay ng kanyang kotse, kasama ang limang menor de edad nang parahin ng mga pulis.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Nakita ng mga pulis na nakasuot ito ng uniporme ng pulis at nang lapitan ay kaagad na nagpakilalang siya si "Lt. Col. Dela Cruz."

Nang i-verify ng mga pulis ang kanyang assignment, nabisto nila na hindi ito miyembro ng Philippine National Police kaya ito dinakip.

Nasamsam sa kanya ang Cal. 45pistol na may magazine at anim na bala.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority), Article 179 ng Revised Penal Code (Unauthorized use of PNP uniform) at Republic Act 11332.

 Liezle Basa