CAMP VICENTE LIM, Laguna - Isang pinaghihinalaangmataasna opisyal ng New People’s Army (NPA) at dalawa nitong tauhan ang napatay ng pulisya sa BarangayMacabiling, Sta. Rosa City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Ito ang inihayag ng Police Regional Office-Region 4A at kinilala ang napatay lider ng kilusan na siRommelRiza, alyas Ka Jomar/Bernie at ang dalawang tauhan na sinaalyas "Ka Blu" at alyas "Ka Dens".

Sa rekord ng pulisya, si Riza ay commanding officer ng Regional Special Operations Group (RSOG) sa ilalim ng Sub-Regional Military Area-(SRMA)-4A ng NPA.

Sinabi sa police report na si Riza ay may nakabinbing warrant of arrest na ipinalabas ang korte sa kasong murder at kidnapping with murder.

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile

Dakong 1:45 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-4A at Sta. Rosa City Police laban sa suspek sa Block 2, Lot 10, Buena Rosa 9 sa nasabing lugar, ayon kay PRO-4A Director Brig. Gen. Eliseo Cruz.

Idinahilan ng pulisya, hawak nila ang warrant of arrest laban kay Riza, gayunman, nanlaban umano ito at ang dalawa pang tauhan hanggang sa magkaroon ng sagupaan.

Kaagad na isinugod sa Sta. Rosa Community Hospital ang mga sugatang rebelde, gayunman, binawian na sila ng buhay.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang Cal. 45 pistol, isang M16 Armalite rifle na maymagazineat mga bala, at apat pangmagazine ngCal. 45 pistol.

Danny Estacio