Kapos na sa panahon para sa hinihintay na Croatian visa, nagdesisyon ang pamunuan ng Manila Chooks TM na bawiin ang partisipasyon sa prestihiyosong liga na nakatakda sa Mayo 21-22 sa Croatia.

Nitong Mayo 7 pa ipinadala ng koponan ang visa application sa Jakarta, Indonesia dahil walang embahada ng Croatia sa Pilipinas, ngunit hanggang kahapon (Mayo 19), hindi pa nabigyan ng visa sina Chico Lanete, Mac Tallo, Zach Huang, at Dennis Santos.

"There are things that we have no control of and this is one of them," malungkot na pahayag ni Chooks 3x3 owner Ronald Mascariñas. "Since 2019, this is the first time that we had to pull out from a FIBA 3x3 tournament and the players were really looking forward to it.

"But the challenges of the ongoing COVID-19 pandemic made it hard for us to obtain our deligation's visas,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang sumabak ang Manila Chooks TM sa qualifying draw at pinaghandaan ito ng koponan sa puspusang ensayo sa bubble set-up sa Lucena Convention Center sa Quezon.

"The boys have been raring to bounce back after Doha but there are things na hindi natin kontrolado. Bawi na lang, that's all we can do right now," ayon naman kay Manila Chooks TM head trainer Aldin Ayo.

Edwin Rollon