Hindi pa rin makapaniwala ang pambatong singer ngAsap Natin 'To, si Iñigo Pascual, na mapakikinggan sa US ang kanyang bagong single na " Danger."

Pinatutugtog kasi ang kanyang bagong kanta sa ilang radio station sa Amerika.

Ibinahagi ito ni Iñigo sa kanyang Instagram account kasama ang video habang inaabangan na mapakinggan ang kanyang kanta.

“First time hearing myself on @1027kiisfm. Brooo I used to just dream about this moment. I still can’t believe I heard our song on LA Radio. That’s Wilddd." (laughing emoji).

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Todo-pasalamat din ang singer sa kanyang team at sa LA Radio station na naging daan sa katuparang ito.

"And shout outs to my Family… hahaha we made it on KIIS FM! This is for OPM. Thank you God. This means so much to me," masayang pahayag ng singer.

Ang Danger ay collaboration ni Iñigo sa Filipino-American Grammy-nominated producer na si DJ Flict at ang Grammy-nominated reggae band na Common Kings.

Ador V. Saluta