Ito ang ibinalita ni Philippine Olympic Committee president at Cavite Rep. Abraham Tolentino matapos ianunsiyo ng organizers ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang gagawin nilang pagpapatupad ng "no vaccine, no participation policy" para sa darating na biennial meet.
Aniya, ginawa ng Vietnam SEA Games Organizing Committee ang anunsiyo sa naganap na online SEA Games Federation meeting nitog Martes.
Siniguro ng mga organizer na matutuloy ang pagdaraos ng SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, at mahigpit nilang ipatutupad ang nasabing "vaccine policy".
Dahil dito, sumulat si Tolentino sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para mapasama ss prayoridad upang mabakunahan ang mga SEA Games-bound delegates partikular ang mga atleta at coaches.
"Most of the athletes from our Southeast Asian counterparts are already vaccinated and we’re the only country that is left behind," pag-amin ni Tolentin
"But we already wrote the IATF to prioritize the SEA Games-bound delegates. We’re ready to take any vaccine [brand],"dagdag nito.
Inabisuhan na rin nila ang mga national sports association (NSA) upang ipaalam sa kanila ang mga atletang isasama sa pagpapabakuna.
"Before we fly to Vietnam, everyone should be vaccinated. Or better yet, before the NSAs start training their athletes face-to-face," wika pa ng POC chief.
May natanggap ang POC na $40,000 o katumbas na P1.9 milyon mula sa Olympic Council of Asia (OCA) na gagamitin para sa pagbili ng mga bakuna.
Sa ngayon, tanging sina Tokyo Olympics-bound athletes Eumir Felix Marcial at Hidilyn Diaz pa lamang ang mga atletang Pinoy na nabakunahan na.
Plano ng POC na magpadala ng 626 atleta sa SEA Games para sa tangkang maulit ang makasaysayang panalo ng bansa noong 2019 edition ng event kung saan nagwagi ang Team Philippines ng rekord na 149 gold medals.
Marivic Awitan