ILOILO CITY - Nahawaan ng coronavirus disease 2019 si Dumarao, Capiz Mayor Edgardo Arancillo, kamakailan.
“While I have been careful and have been taking extra precaution, I was not spared from COVID-19,” pahayag ni Arancillo bilang pagkumpirmana siya ay kinapitan ng virus.
Nitong Mayo 11 aniya ay nakaranas na siya ng sintomas ng sakit, katulad ng pananakit ng katawan at sipon.
Gayunman, binalewala niya lamang ito hanggang sa magpatuloy ang sintomas.
Nadiskubre niya lamang ang sakit nitong Mayo 19 matapos na sumailalim sa swab test nitong Mayo 18.
Tara Yap