TACLOBAN CITY - Napatay ang isang bumbero nang lumaban umano sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay  Rizal, Sogod, Southern Leyte, nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jody Daclan Magallanes, 40, miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at nakatalaga sa Mahaplag Fire Station sa Leyte at taga-Bgy, Mahayahay, Sogod.L

Sa ulat ng pulisya, binentahan na ng suspek ng P70,000 halaga ng shabu ang isang pulis, gayunman, nahalata ng una na isa lamang itong kaya binaril umano nito ang katransaksyon na pulis.

Bilang depensa, nakipagbarilan sa kanya ang mga pulis kaya ito napatay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang nasabing illegal drugs, marked money at Cal. 45 pistol na umano'y ginamit ng suspek. 

Marie Tonette Marticio