CAMP JUAN VILLAMOR, Abra – Nabulabog ang isang iligal na sabungan nang salakayin ng pulisya na ikinaaresto ng anim na sabungero sa Barangay Subusob, Sallapadan ng nabanggit na lalawigan, kamakailan.

Sinabi ni Abra Provincial Police Director Col. Christopher Acop, nabuking ang illegal cockfighting sa boundary ng Bucay at Sallapadan matapos magsumbong ang isang concerned citizen sa lugar, nitong Mayo 16.

Kabilang sa mga naaresto sina Elvis Openg, 46; Jhun Lizardo, 40; Romulo Claro, 51; Abelardo Talape, 40; Francis Jaquias, 34 at Domingo  Cabarubias, 43.

Nahaharapangmga ito sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 (Illegal Gambling).

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Zaldy Comanda