Limang hinihinalang miyembro ng militanteng grupo na Abu Sayyaf ang napatay sa isang engkuwentro sa mga pulis sa bahagi ng Malaysia sa isla ng Borneo, ayon sa mga awtoridad nitong Martes.
Inatake ang mga pulis ng mga armadong grupo ng baril at machete nitong Lunes nang salakayin ng mga awtoridad ang settlement makapit sa bayan ng Beaufort sa Sabah state, hanggang sa mauwi sa palitan ng putok.
“Five male suspects were successfully defeated,” pahayag ni Sabah police commissioner Hazani Ghazali.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na miyembro ang grupo ng Abu Sayyaf, isang self-proclaimed Islamic militants na may malaking grupo sa Muslim na rehiyong bahagi sa katimugan ng Pilipinas, malapit sa Sabah.
Isa sa mga namatay ang nakilala bilang Mabar Binda, isang rebeldeng lider sa kabilang sa wanted list ng pulisya sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Malaysian newspaper, The Star.