No edits
Clearance na lamang mula sa International Basketball Federation (FIBA) ang kailangan ni Ateneo center Angelo Kouame para tuluyang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas.
Ito'y matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang naturalization nito ayon sa naging anunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP)noong Martes ng hapon.
Sa sandaling mabigyan ng clearance mula sa FIBA, puwede nang maglaro si Kouame para sa Gilas sa darating na Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark sa susunod na buwan at sa Olympic Qualifying Tournament sa Serbia.
“Koaume will now undergo the final steps required by FIBA before a naturalized player can suit up for a country and we are confident that he’ll be able to play during our hosting of the FIBA Asia Cup Qualifiers and the FIBA Olympic Qualifying Tournament in Serbia,” saad ng statement na inilabas ng SBP.
“Although Kouame’s presence is crucial for these two tournaments, having him as an official member of the squad in the upcoming games is an early investment as we build towards the 2023 FIBA Basketball World Cup.”
Ang 6-foot-10 Ivorian center ay kasamang nagti- training ng Gilas, na muling pumasok sa bubble nila sa Laguna noong nakaraang buwan.
Inaasahang ang pagkakadagdag ni Kouame sa lineup at makatutulong ng malaki para sa Philippine team.
Marivic Awitan