Tapos na ang Miss Universe 2020 pero nakaabang pa rin ang mga netizens kung ano ang sunod na magiging career path ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo after sa naunsiyaming korona ng Miss U.

Sa kanyang Instagram na may 1.6 million followers na at patuloy nadadagdagan ay nagbigay ng saloobin si Rabiya nang i-post niya ang kanyang larawan nang lumaban siya sa Miss U. Sa caption makikita na puno siya ng positive mind sa naging journey niya sa Miss Universe. Sabi niya, “My Miss Universe journey has ended. I just finished one beautiful chapter. Now, I’m excited to write a new one. More blessings to receive! More people to inspire!”

Nagbigay naman ng comment si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na may all out support kay Rabiya mula sa umpisa ng laban sa Miss U at sinabing “You’re gonna be a star” na pinusuan ng mga netizens. Sana hindi dito sa Miss Universe magtatapos ang pagiging beauty queen ni Rabiya. Hopefully, muli siyang lumaban sa ibang international pageant. Kung hindi man sa Miss U ang naging destiny ng Ilongga beauty queen maaaring sa ibang prestigious beauty pageant ang kanyang kapalaran. Huwag susuko laban lang, ika nga nila.

Kailangan ni Rabiya na rumesbak para patunayang “Basta Ilongga guwapa” sa buong mundo. Ilan na ring Pinay beauty queens ang hindi nananalo noon sa pageant sa umpisa pero dahil determinado kalaunan naiuuwi nila ang korona. Gawin sanang inspirasyon ni Rabiya si 2018 Miss Universe Catriona Gray dahil minsan din siyang natalo sa Miss World 2016. Bata pa si Rabiya maganda, sexy, at matalino malayo pa ang mararating niya sa international beauty pageant. Kung anu’t anupaman proud pa rin ang mga Pinoy sa pinakitang gilas ni Rabiya sa katatapos lang ng Miss Universe.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Rabiya (IG photo)

Samantala, sa panayam ng Star Patrol ng TV Patrol kay Rabiya sa naganap na send-off lunch ng Pinoy community sa isang Pinoy restaurant sa US. Sinabi ni Rabiya na kahit daw hindi siya pinalad masungkit ang korona ng Miss U still para na rin siyang nanalo dahil sa warmth and support ng ating mga kapwa Pilipino sa US. Sa hindi pagkakapasok niya sa Top 10. Aniya, “Combination din ng emotion. I felt sad but seeing the girls who made it deserving talaga ang lahat. I guess hanggang doon lang talaga ang destiny ko. Pero it’s OK. Marami pa akong kailangan gawin. Marami pa akong kailangan matutunan and tuloy pa rin ang laban natin.

Ano naman ang next para kay Rabiya Mateo after the Miss Universe?

Sey niya, “Maybe I can take a short break from social media from everything just to be back in my shape. And after that actually I’m planning to go into show business who knows, who knows.”

Giit pa ni Rabiya acting daw ang papasukin niya sa showbiz. Yun na!