Isang Pilipina na veteran physiotherapist ang nahalal na councilor para sa Martins Wood ward sa Stevenage, England.

Si Myla Arceno, 48, ang unang Pilipino na tumakbo para sa lokal na eleksyon sa England sa ilalim ng Labour and Co-operative Party at matagumpay na nakakuha ng puwesto sa local council, ayon sa ulat ng ANC.

“The Party welcomes everyone, especially those from ethnic minority. It aims to deliver an equal and fairer society,” ani Arceno.

Nasa ilalim ng two party system ang sistema ng politika sa Britain, kung saan may dalawang dominanteng partido, ang Conservative Party at ang Labour Party.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“It’s actually the Labour party that initiated and made way for most Filipinos to come here and to work for the National Health Service (NHS),” pagbabahagi ni Arceno.

Aniya, tinanggap niya ang imbitasyon ng local party leaders na tumakbo sa May 6 election makalipas ang halos dalawang dekada ng pagsasayaw, pagsusulong ng kulturang Pilipino, at community work.

“It actually started from our dance group. Can you imagine that? I love the Filipino dances so I organized the community and young kids. We always performed, not only in Stevenage, but also in other towns and cities because we wanted to promote the beautiful Filipino culture. It became bigger and we organized the Barrio Fiesta in Hertsfordshire,” saad pa ni Arceno sa ANC.

Dagdag pa ni Arcena, na nagtatrabaho sa NHS bilang physiotherapist, tinanggihan niya noong una ang imbitasyon na tumakbo dahil prayoridad niya na alagaan ang kanyang mga anak at ang kanyang career.

“I said ‘No’ initially. But I have been thinking, what I have been doing now is what a councilor should do,” ani Arceno.

Nakatulong din, aniya, ang pagiging isang NHS frontliner para manalo siya sa eleksyon.

Tubong Pulupandan, Negros Occidental, nag-migrate si Arceno sa England noong Enero 2003. Nakapag-migrate sila ng kanyang anak na lalaki bilang dependent ng kanyang asawa, si Joseph, na nagtatrabaho rin sa NHS bilang physiotherapist.

Kalaunan ay nag-aplay siya sa isang lokal na ospital doon.

“I just went to the Physiotherapy Department in our local hospital and I just applied,” kuwento pa ni Arceno, na isa na ngayong Cardiac Rehab Lead sa NHS Trust.

Nagtapos si Arceno sa kursong Physical Therapy sa Riverside College sa Bacolod City.

Mayroon siyang sariling clinic sa Kalibo at isang guro sa Roxas City bago nag-migrate ang kanyang pamilya sa England.

Plano lamang ng pamilya na manatili sa England ng 3-5 taon, ngunit hindi na sila umalis ng Stevenage.

Samantala, ayon kay Arceno, naging motibasyon niya na pasukin ang serbisyo publiko upang mag-give back sa komunidad na tumanggap sa kanilang pamilya.

“I wanted to show that we are not here just to work, to earn and padala sa Philippines. We are also here to be involved and be part of the community,” aniya.

“Also, our voice will be much better heard if we are there and they can see us. And, I want to give back to the community,” giit pa ni Arceno.

Hinikayat naman ni Arceno ang mga Pilipino na tumakbo sa local office at maging lider.

“I want to be a role model for them, that if they want to do something, you can do it.”

Jaleen Ramos