Muling ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa mga light truck na dumaan sa EDSA at Shaw Boulevard, simula sa Mayo 24.
Ayon sa MMDA, sa ilalim ng uniform light truck ban, ang mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kilograms at pababa ay pinagbabawalang bumagtas sa EDSA magmula sa Magallanes, Makati City hanggang sa North Avenue, Quezon City at pabalik pagsapit ng 5:00 ng madaling araw hanggang 9:00 ng gabi;
Ipatutupad din ang kahalintulad na patakaran sa Shaw Boulevard (Mandaluyong City at Pasig City) mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at ng 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.
Ang implementasyon ng uniform light truck ban ay simula Lunes hanggang Sabado, maliban sa Linggo at holidays o pista opisyal.
Babala ng MMDA, papatawan ng multang P2,000 ang mga mahuhuling lalabag.
Bella Gamotea