Sa kabila ng suliranin sa ekonomiya dulot ng pandemya, isang matandang Japanese na hindi nagpakilala ang nag-donate ng kanyang savings—in cash—sa isang siyudad malapit sa Tokyo.
Nitong Lunes, nagtungo ang matandang lalaki sa city hall ng Yokosuka at nakiusap na ibigay ang isang backpack sa mayor ng siyudad kalakip ang isang sulat sa loob nito, pagbabahagi ng opisyal na nakausap ng matanda.
"We found 60 million yen ($550,850) in cash inside and a letter saying 'This is the money I've been saving since the first grade. Please make use of it. It's a donation,'" ayon sa opisyal.
Nasa 70s na umano ang matanda na tumangging ibigay ang kanyang pangalan.
"We've never received such a big donation from an anonymous person," saad pa ng opisyal.
Sa pahayag naman ni Mayor Katsuaki Kamiji, sinabi nitong "he was surprised and moved" sa donasyon, lalo na ngayong nahaharap ang lahat sa pandemya.
"I'm speechless and full of gratitude," aniya.
Hindi naman bago ang anonymous donors sa Japan.
Noong nakaraang taon, isang lalaki ang nagtungo sa Nara city hall dala ang isang bag na puno ng 30 million yen in cash. Nag-iwan ito ng mensahe na nais niyang magamit ang donasyon na salapi upang tulungan ang mga mahihirap, at pondo para sa edukasyon.
Isang ospital rin sa Kobe ang nakatanggap ng five million yen in cash na ipinadala ng isang anonymous donor.
AFP