PASUQUIN, Ilocos Norte - Binawian ng buhay ang isang 88 taong gulang na biyuda matapos atakehin ng heat stroke sa gitna ng kalsada sa Barangay Tabungao ng naturang bayan, kamakailan.

Sa police report, nakilala ang nasawi na siPacita Onnagan, taga-nasabing lugar.

Sa salaysay ng bgy. kagawad na si Erickson Ratuita, 42, patungo sana siya sa Bgy. Dadaeman nang madaanan nito si Onnagan na nahihirapang huminga sa gitna ng kalsada, tinatayang dalawang kilometro ang layo mula sa kanyang bahay.

Kinumpirma naman ni Dr.DiophantosAcob, ng rural health unit ng nabanggit na bayan, na namatay si Onnagan sa heat stroke.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaugnay nito, inihayag naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ilang araw na silang nakapagtala ngheat index na 52°Co alinsangan na nararamdaman ng katawan sa Pangasinan.

Liezle Basa Iñigo