Hindi pa man bumubuti ang sitwasyon ng COVID-19 sa India, panibagong problema na naman ang kinahaharap ng bansa sa pananalasa ng monster cyclone, na kumitil ng 33 katao habang higit 90 pa ang nawawala.

Daang-libong tao ang nawalan ng kuryente matapos manalasa ang Cyclone Tauktae, isa sa tumataas na bilang ng mga mapaminsalang bagyo na namumuo sa Arabian Sea na isinisisi sa climate change, sa Gujarat coast nitong Lunes ng gabi.

Isang support vessel na nagdadala ng langis ang hinampas ng matitinding alon sa baybayin ng Mumbai at lumubog, kung saan 96 nang 273 katao na nasa barko ang idineklarang nawawala, pagbabahagi ng Indian Navy.

Ayon sa defense ministry, 177 katao ang nailigtas sa barko, habang inaasahang magpapatuloy ang operasyon sa gitna ng “extremely challenging sea conditions”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

May iba pang naitalang pagkamatay sa ibang lugar sa bansa mula sa pananalasa ng bagyo, dahilan upang umabot sa 33 ang kumpirmadong patay.

Malaki naman ang naging sagabal ng pananalasa ng bagyo sa pagtugon ng pamahalaan ng India sa patuloy na lumalalang kaso ng coronavirus sa bansa na kumikitil ng halos 4,000 kada araw, at sumusubok sa health system ng India.