Nilinaw ng Philippine Red Cross (PRC) na hindi sila magbebenta ng ModernaCOVID-19 vaccines at sa halip ay mag-a-administer nito sa kanilang mga miyembro at mga donors.

Ang paglilinaw ni PRC Governor Ma. Carissa Coscolluela sa social media pages ng PRC ay kasunod ng mga naglabasang ulat na sinabi umano ni PRC chairman at CEO, Senator Richard Gordon, na ang mga taong nais nang magpabakuna ngunit hindi makahintay ng libreng bakuna mula sa pamahalaan ay maaaring magbayad ng Moderna vaccines sa halagang P3,500, sa dalawang doses nito.

Ayon naman kay Coscolluela, hindi ipinagbibili ng PRC ang bakuna dahil sila mismo ang sasagot ng bayad nito.

Paliwanag niya, ang ibabayad ng donor ay para sa mga heringgilya, personal protective equipment (PPE), pagkain at iba pang gastusin na may kinalaman sa gagawing pagbabakuna sa kanila.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“News outlets online today reported that the Philippine Red Cross will sell COVID-19 vaccines. To set the record straight, PRC Chairman Richard Gordon never announced that the Red Cross is selling vaccines. He stressed the need to act fast and vaccinate as many people as we can,” pahayag pa ni Coscolluela.

“What he (Gordon) said was that the PRC procured Moderna COVID 19 vaccines and intends to vaccinate Red Cross members and donors, who are also our members, who are willing to bear the cost of the vaccines, which was US$26.83 per dose plus an administration fee that covers costs for syringes, gloves, PPEs, meals and allowances of our doctors and nurses, and other essential expenses related to the vaccination,” aniya pa.

Paglilinaw pa ni Coscolluela, ang PRC ay isang humanitarian organization at hindi isang negosyo na magbebenta ng bakuna.

“It does not charge for anything that it got free,” aniya pa. 

Mary Ann Santiago