Nagpahayag ng pangamba ang OCTA Research group hinggil sa mataas na COVID-19 positivity rate sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang 77% positivity rate sa dinarayong Puerto Princesa, ay hindi hamak na mas mataas sa 12% COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Posibleng maaaring ugat, aniya, ito ng kakulangan sa ginagawang COVID-19 testing sa siyudad, ayon kay David.

“Yung Puerto Princesa, yung positivity rate nila nasa 77 percent, sobrang taas. Kulang sila sa testing. Mukhang kinakapos yung testing nila doon kasi dati hindi naman sila nagkaka-surge, baka kulang ang test kits nila,” ani David sa isang panayam.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Halos 8 out of 10, pag sampung may nagpa-test, eight doon nagpopositive,” aniya pa.

Sa bagong datos ng Department of Health COVID-19 tracker,  may 1,625 kaso sa syudad, 345 ang aktibo, hanggang nitong Mayo 16 at ang lugar ay nakasailalim sa general community quarantine hangggang katapusan ng Mayo.

Beth Camia