Huli sa akto ang pito katao habang nagsasabong sa Barangay Malasin, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Isa-isang pinagdadampot ang mga suspek na pawang mga mananabong sa lugar na sina Norberto Velasquez, 33, kasama ang live-in partner nito na residente ng Bgy. Dolores, Sto. Domingo; Raymond Custuna, 25, ng Bgy. San Miguel, Quezon, NE; Nomer Dicion, 38; Cris Apelo, 30; Billy Joe Apelo, 22; Darwin Pulido, 37; Guillermo Cristobal, 29, ng Bgy. Mambarao.

Bandang 4:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon ng Sto. Domingo Police Station kung saan nakumpiska ang isang buhay na panabong; limang patay na panabong manok; isang pares ng ginamit na taru, P1,300 bet money at iba pang cockfighting paraphernalia.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSgt. Mark Anthony Limban, may hawak ng kaso, tuwirang sinabi nito na ang illegal cock fighting ay mahigpit na ipinagbabawal ngayon panahon ng pandemya bukod pa sa dating batas na PD 1602 na naamyenda ng RA 9297 (Illegal cockfighting).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa PD 1602 at nakapiit sa male custodial facility ng Sto. Domingo Police Station.

Light Nolasco