Nanatiling mailap ang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas, nang bigong makapasok sa top 10 finalist ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa ginanap na 69th Miss Universe coronation night sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino Hollywood sa Florida, nitong Lunes (Linggo sa US).

Unang pumasok si Rabiya sa top 21, kasama ang mga pambato ng Colombia, Peru, Australia, France, Myanmar, Jamaica, Mexico, Dominican Republic, USA, Indonesia, Argentina, India, Curaçao, Puerto Rico, Brazil, Great Britain, Nicaragua, Thailand, Costa Rica at Vietnam (fan votes).

Gayunman bigo na itong makausad sa top 10 finalist kung saan pumasok sina Jamaica, Dominican Republic, India, Peru, Australia, Puerto Rico, Thailand, Costa Rica, Mexico, and Brazil.

Mapapansin naman ang pagbabalik sa dating format ng Miss Universe pageant, na hindi tulad ng continental format na ginamit sa nakalipas na mga kompetisyon. Kung saan limang kandidata mula sa Americas, Europe, at Africa/Asia Pacific region ang pinipili, at lima naman ang nanggagaling sa "wild card".

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Una itong ibinahagi ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup sa isang panayam.

"It's going to be 21, straight to swimsuit, then 10, and then evening gown, 5, and then that's the time that they're going to have to speak," pahayag ni Shamcey