Nagwakas na ang mahigit isang taong pagtatago sa batas ng mekanikong wanted sa kasong rape, matapos itong masukol ng mga pulis sa kanyang tinutuluyan sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.
Under custody na ng pulisya si Reynado Fernandez, 54, may asawa, dahil sa kinakaharap na sa two counts of rape na isinampa ng kanyang kapitbahay sa nasabing lugar.
Sa rekord ng pulisya, kaagad na tumakas si Fernandez sa kanilang lugar hanggang sa magpalabas ng warrant of arrest si Judge Raymundo Vallega, ng Regional Trial Court Branch 130, Caloocan City.
Sa tulong ng impormante, inaresto si Fernandez sa Block 26, Lot 17, Maligaya Park Subdivision, Bgy. 177 ng nasabing lungsod nitong Huwebes ng gabi.
Ang insidente ay naganap sa naturang lugar noong Disyembre 5, 2019, ayon sa rekord ng kaso.
Orly Barcala