Patay ang pitong tao sa Indonesia matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka nang tangkain ng mga turista na mag-selfie sa isang reservoir sa isla ng Java, ayon sa mga awtoridad, nitong Linggo.

Nangyari umano ang aksidente nang magsilipat ang lahat ng 20 pasahero sa isang panig ng bangka upang makakuha ng group photo sa Boyolali regency, ayon kay Central Java police chief Ahmad Lutfi.

"The cause of the accident was overcapacity," pagbabahagi ni Lutfi sa reporters.

"The 20 people took a selfie on the right side then the boat lost balance and flipped."

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nailigtas naman ng pulisya ang 11 tao ngunit patay na nang matagpuan ang pitong iba pa. Patuloy naman ang paghahanap sa dalawa pang nawawala.

Tinitingnan ngayon ng awtoridad kung may pananagutan ang mga namamahala ng boat rides sa reservoir.

Ayon pa sa awtoridad, isang 13-anyos ang nagsasagwan ng bangka.

Karaniwan na ang aksidente sa bangka sa Indonesia, isang Southeast Asian archipelago na may higit 17,000 isla, dahil sa maluwag na pamantayan.

Nito lamang Abril, nagkumahog ang mga rescuers sa paghahanap ng 17 mangingisda matapos magbanggaan ng dalawang bangka sa West Java. Tatlo ang natagpuang patay habang 13 pa ang nawawala nang tumigil ang paghahanap.