Hindi sinasadyang nadiskubre ng isang grupo ng shark hunters ang isang populasyon ng isda na nabuhay 420 milyong taon na ang nakalipas, na pinaniniwalang ng maraming siyentista na matagal nang na-extinct.
Kilala bilang coelacanth natagpuang buhay at maayos ang species sa West Indian Ocean malapit sa baybayin ng Madagascar, ayon sa ulat ng nonprofit environmental conservation platform Mongabay News.
Nadiskubre ang buhay na populasyon ng “four-legged fossil fish" dahil sa mga mangingisda na gumagamit ng gillnets sa kanilang panghuhuli ng pating. Gamit ang kanilang high-tech deep-sea nets naabot nito ang populasyon ng coelacanths, na namumuhay sa 328 to 492 talampakang lalim ng dagat.
Inakalang naubos na ang species ng isdang ito hanggang noong 1938, nang isang buhay na coelacanth ang nadiskurbre sa South African Coast, ayon pa sa Mongabay News.
Nagulat ang mga siyentista na isang miyembro ng "Latimeria chalumnae" species ang nananatiling buhay, na may walong palikpik, kakaibang pattern sa kaliskis at malaki nitong katawan.
Sa kabila naman ng pangamba na tumaas ang kaso ng paghuli sa coelacanths, kumpiyansa ang ilan na hindi ito mangyayari.
Ayon kay Madagascan government marine researcher Paubert Tsimanaoraty Mahatante, hindi siya nababala sa posibilidad na maging hot commodity ang species na ito sa mga mangingisda.
"Catching a coelacanth is totally uncommon and people are in some ways even afraid to catch something that is so uncommon. So I don't think that coelacanths are being targeted deliberately," paliwanag ni Mahatante.
Hindi ito ang unang species na muling nadiskubre matapos maging “extinct”. Nitong Abril lamang isang highly venomous sea snake ang unang beses na natagpuan sa Australia sa nakalipas na 23 taon.