AGNO, Pangasinan - Patay ang dalawang lalaking miyembro ng isang volunteer organization matapos ma-suffocate sa nililinis na isang balon sa Sitio Bariquer, Barangay Dangley sa naturang bayan, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sinaHector Caducio, 52, at John Edward Apostol, 34, kapwa miyembro ng civilian volunteer organization (CVO), at kapwa taga-nasabing lugar.

Naiulat ng pulisya, bago ang insidente ay nililinis ni Apostol ang malalim na balon, dakong 5:50 nghapon.

Bigla na lamang itong nahirapang huminga at nang makita ito ni Caducio ay kaagad na bumaba sa nasabing balon upang saklolohan.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Gayunman, nahirapan din umanong huminga ni Caducio.

Kaagad silang sinaklolohan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at isinugodang mga ito sa Agno Rural Health Unit kung saan sila binawian ng buhay.

Liezle Basa Iñigo

Noted.Noted with thanks.Thank you!ReplyForward