TABUK CITY, Kalinga – Sinunog ng mga awtoridad ang P81.9 milyong halaga ng tanim na marijuana sa magkakasunod na operasyon sa Tinglayan, Kalinga, kamakailan.
Sinabi ni Kalinga Provincial Police (KPP) Director Davy Limmong, ang magkakasunod na anti-illegal drugs operations ay isinagawa sa Barangay Loccong ng nasabing bayan, nitong Mayo 12 hanggang Mayo 14.
Nitong Mayo 9,inakyat din mga tauhan ng KKP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang Mount Chumanchil at winasak ang milyun-milyong halaga ng tanim na marijuana.
Ang Mount Chumanchil ay isa sa pinakamataas na kabundukan sa Tinglayan na kilalang plantasyon nghigh-grade marijuana plants.
Ayon kay Limmong, tatlong plantation sites ang kanilang sinalakay na nagresulta sa pagkakawasak ng P81.9 milyong halaga ng marijuana plants.
Zaldy Comanda