Isang mananaya mula sa Bataan ang solong nakapag-uwi ng P29.7 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 13-01-50-10-51-54 na may katumbas na jackpot na P29,700,000.
Nabili umano ng naturang mananaya ang kanyang lucky ticket sa Abucay City, Bataan.
Upang makuha naman ang kanyang premyo, pinayuhan ito ni Garma na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang winning ticket at magharap din ng valid na identification cards (IDs).
Mary Ann Santiago