Isang dating beauty queen sa Myanmar ang piniling tahakin ang pagsali sa grupo ng mga rebelde laban sa military junta ng bansa.
Ilang buwan nang nagpapatuloy ang kaguluhan sa Myanmar, na nagparalisa sa ekonomiya nito, mula nang kontrolin ng militar ang kapanyarihan ng bansa noong Pebrero 1, na nagpatalsik sa lider nitong si Aung San Suu Kyi.
Si Htar Htet Htet ay kinatawan ng Myanmar sa unang Miss Grand International beauty pageant sa Thailand noong 2013, kung saan niya nakalaban ang higit 60 kandidata.
Kamakailan, ipinost ng 32-anyos na gymnastics instructor ang larawan niya habang nakasuot ng itim na black combat fatigues at may sukbit sa balikat na assault rifle.
"The time has come to fight back," pagdedeklara niya sa Facebook.
"Whether you hold a weapon, pen, keyboard, or donate money to the pro-democracy movement, everyone must do their bit for the revolution to succeed."
Nitong Martes, nagmarka ang ika-100 araw mula ng maganap ang kudeta ngunit hindi natinag ng matinding karahasan ang mga tao sa Yangon na patuloy na lumalabas sa mga lansangan upang ipanawagan ang pagbabalik ng demokrasya sa kanilang bansa.
"I will fight back as much as I can. I am ready and prepared to give up everything. I am even ready to pay with my life," pangako ni Htar Htet Htet mula sa unknown border territory.
Ngayong taon, naging bukas din si Miss Grand Myanmar contestant Han Lay sa pagbibigay ng opinyon sa kanyang bansa at pagtuligsa sa military junta.
Winakasan ng kudeta ang “decade-long experiment with democracy” matapos ang kalahating siglo na pamamahal ng military.
Higit 780 sibilyan na ang namatay habang patuloy ang nagiging marahas na pagtrato ng mga awtoridad sa pagbuwag ng mga protesta.
Libu-bong tao naman mula sa mga siyudad ng Myanmar ang tumatakas patungo saborder regions, kabilang ang marami na sinasabing konektado sa politikal na partido niSuu Kyi habang nahaharap naman ang iba sa pagkaaresto dahil sa kabilang pakikilahok sa mga protesta ang at labour strikes.
Patuloy rin ang pag-atake ng mga ethnic armed rebel groups ng bansa sa military at mga pulis, na pinangangabahang higit pang madudulot ng kaguluhan.
AFP