TAGKAWAYAN, Quezon – Binawian ng buhay ang magkaangkas na binata nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang truck sa Barangay Payapa nitong Linggo ng umaga.
Sina John Paul Anog, 18, at Noriel de Torres, 20, ay dead on arrival sa Maria Lourdes Eleazar Memorial District Hospital, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
Sa report ng Tagkawayan Police, patungong poblacion ang dalawa at tinatahak ang makitid na kalsada nang makasalpukan nila ang nakasalubong na Elf towing truck na minamaneho ni Virgilio Autida, dakong 8:50 ng umaga.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawa.
Depensa naman ni Autida, mabilis ang takbo ng motorsiklo at masyadong maliit ang kalsada kaya hindi na niya naiwasan ang mga ito.
Danny Estacio