CABANATUAN CITY – Dead on the spot ang isang land broker matapos na barilin ng isang hindi nakikilalang lalaki na pumasok sa kanilang bahay sa Barangay Samon, nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay kinilala ni Corporal Cristo Rey Buan, may hawak ng kaso, na si Jaime Gunsay, 61, taga-nasabing lugar.

Isinugod naman sa ospital ang isa pang biktima na si Jestoni Arevalo dahil sa mga tama ng bala.

Bago ang insidente, nag-uusap ang dalawa kaugnay ng problema sa lupain nang biglang pasukin sila ng suspek na armado ng baril at biglang pinagbabaril si Gunsay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Si Gunsay lang po ang puntirya ng suspek, nadamay lang si Arevalo dahil siguro nagtangkang manlaban," sabi ni Buan.

Kaagad na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang kaso.

Ariel Avendaño