Nakalapag na sa Mars nitong Sabado ang Zhurong spacecraft ng China, isang malaking tagumpay para maambisyong proyekto ng Beijing at makasaysayan bilang unang bansa na nagtagumpay sa unang Martian mission.
Nagawang malampasan ng lander na may dala sa Zhurong ang Martian atmosphere gamit ang isang parachute upang makapag-navigate sa tinatawag na “seven minutes of terror”, pakay ang malawak na northern lava plain na mas kilala bilang Utopia Planitia.
“The mission successfully landed in the pre-selected area,” pagbabahagi ng CCTV news, habang binanggit naman ng official Xinhua news agency ang China National Space Administration (CNSA) sa pagkumpirma ng touchdown.
Sa ngayon, China ang unang bansa na matagumpay na naisakatuparan ang “orbiting, landing and roving operation” sa unang misyon nito sa Mars— bagay na nahigitan ang dalawang unang bansa na nakarating sa Mars, ang US at Russia.
Ipinangalan sa Chinese mythical fire god, lumapag ang Zhurong ilang buwan lamang matapos ang pinakabagong misyon sa Mars ng Amerika— ang Perseverance — isang pagpapamalas ng teknolohiya, sa pagitan ng dalawang superpowers, na lampas sa Earth.
Pakay ng six-wheeled, solar-powered, at may bigat na 240 kilograms, na kumolekta at mag-analisa ng mga rock samples mula sa surface ng Mars.
Inaasahang mananatili ito ng tatlong buwan sa Red Planet.