Pormal na idineklara ng Russia ang United States at Czech Republic bilang "unfriendly states" sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa ugnayan ng Moscow at Washington sa mga nakalipas na taon.

Nitong Biyernes, Mayo 14, inilabas ng gobyerno ng Russia ang isang atas na nilagdaan ni Prime Minister Mikhail Mishustin, kasama ang listahan ng "unfriendly states" na "have carried out unfriendly actions" laban sa Russia, Russian nationals o Russian entities.

Kabilang sa listahang ito ang US at Czech Republic.

Pahihintulutan lama gang Czech embassy na magtalaga ng hanggang 19 Russian nationals at hindi naman ito papayagan sa US embassy, ayon sa Moscow.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa kabila nito, sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na mananatiling bukas ang Moscow para sa isang diyalogo, iniulat ng state news agency TASS, sa pagbibigay-diin na dalawang bansa pa lamang ang nasa listahan ng "unfriendly states" nito.

Sinabi naman ng Prague na ang hakbang na ito ay magdudulot lamang ng "escalate relations" sa pagitan ng Moscow at Czech Republic, ang EU at mga kaalyado nito

"We are sorry that Russia has embarked on the confrontation road to its own detriment," pahayag ng Czech foreign ministry.

"This measure will also indirectly affect the potential development of relations between ordinary citizens, tourism, and the development of business relations," dagdag pa nito.

Sa isang tweet, nangako si EU chief Charles Michel para sa "full solidarity" ng alyado sa pagsasabing ang hakbang "undermines diplomatic relations".

"Efforts to divide the EU are in vain," giit ni Michel.

Agence-France-Presse