BALIK na sa aksyon ang Pagadian Explorers, sa pagkakataong ito bilang isa sa walong koponan na sasabak sa Mindanao leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup.
Ipinakilala kamakailan ng team owner at Pagadian Mayor Sammy Co ang bagong Explorers -- one-time finalists sa National Basketball Conference bago sumabak sa nabuwag na Liga Pilipinas may isang dekada na ang nakararaan – na bahagi ng kauna-unahang professional basketball league sa South.
Nakatakdang magsimula ang laro sa Mayo 30.
Nitong Mayo 9, natapos ang Visayas leg na pinagharian ng KCS Computer Specialist-Mandaue City.
Ang kampeon sa Mindanao leg ang haharap sa Mandaue para sa Super Cup championship sa Agosto.
"Before, we already had a team. I don't know what happened because I was out of politics for six years. Right now, I have another first term and I made sure to revive a team," pahayag ni Co.
Pangungunahan ang Explorers ng 6-foot-6 na si Mark Benitez, miyembro ngRizal-Xentro Mall sa 2019-21 Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup.
Makakasama niya ang mga collegiate campaigner na sina Arellano transferees Rich Guinitiran at CJ Pamaran – kapwa nabigyan ng special guest licenses ng Games and Amusements Board (GAB) nitong April 8 – gayundin si Keanu Caballero, dating Taguig mainstay sa National Basketball League.
Kabilang din sa koponan sina Orvelle Saludsod, John Edros Quimado, Arman Demigaya, Kenneth Singedas, Elizalde Sunogan, Kenth Baldeo, Kem Jhon Diva, Von Dechos, Ruben Caballero, Jehzreel Acaylar, Jeric Serrano, Rex Quilo, Christian Manalo, Rey Bolotaolo, Godfred Helido, atJan Villaver.
Magsisilbing coach si Harold Sta. Cruz, habang team manager naman si Dodong Pamaran.
Edwin Rollon