BACOLOD CITY – Binatikos ng pamahalaan ang pagpatay ng pinaghihinalaang grupo ng New People’s Army (NPA) sa apat na sibilyan sa Guihulngan, Negros Oriental nitong Biyernes.
Ayon kay Col. Inocencio Pasaporte, commander ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army (PA), hindi makatwiran ang pamamaslang ng mga rebelde kina Ronelo Quirante, 56; Roger Fat, 46; Rodrigo Lubay, 46, at asawangsi Sherryl, 44.
Aniya, pinaghihinalaang ang mga biktima ang nagsuplong sa militar kaya nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo na ikinasawi ng 10 sa miyembro ng kilusan sa nabanggit na lugar, nitong Marso 23.
Naiulat na ang nasa loob ng bahay ang mga biktima nang pasukin at pagbabarilin ng pinaghihinalaang mga rebelde sa Sitio Agit, Bgy. Trinidad, Guihulngan.
Glazyl Masculino