Nadiskubre ng mga archaeologists sa Egypt ang nasa 250 puntod sa katimugang bahagi ng probinsiya ng Sohag, na may 4,200 taon na, inanunsiyo nitong Martes ng antiquities ministry.

Kabilang sa mga puntod ang ilan na may “well or several burial wells and other cemeteries with a sloping corridor that ends with a burial room,” ayon sa ministry.

Sumasakop naman ang edad “from the end of the Old Kingdom to the end of the Ptolemaic period,” dagdag nito.

Ang Old Kingdom ay may tagal na nasa 500 taon, na natapos noong 2200 BC, habang ang Ptolemaic dynasty ng Egypt ay tumagal ng 300 taon na nagwakas sa pagkamatay ni Cleopatra noong 30 BC.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ayon kay Mostafa Waziri, pinuno ng Supreme Council of Antiquities, isa sa mga puntod na mula sa Old Kingdom ay may nananatiling bakas ng hieroglyphic inscriptions at chamber para sa “sacrifices”.

Sinabi naman ni Mohamed Abdel-Badie, senior antiquities official na nanguna sa excavation, na nakita rin sa lugar ang mga palayok at iba pang kagamitan, na alay para sa mga sinaunang Diyos ng Egypt.

“[Small alabaster vessels, animal and human bones as well as limestone remnants that could be] funerary plates… dating back to the Sixth Dynasty [were also discovered], ani Abdel-Badie.

Inanunsiyo ng Cairo nitong mga nakalipas ang ilang malalaking archaeological discoveries, na layong buhayin ang mahalagang sektor ng turismo na napinsala ng  2011 uprising, nagpapatuloy na kaguluhan, jihadist attacks at coronavirus pandemic.

Agence-France-Presse