Dalawang buhawi ang nagdulot ng matinding pinsala sa central at eastern China na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 12 at sumugat sa higit 4000, ayon sa mga awtoridad.

Mapaminsalang hangin na umaabot ng 260 kilometres kada oras (160 miles per hour) ang tumama sa central city ng Wuhan nitong Biyernes ng gabi.

Walong tao ang nasawi at higit 280 ang sugatan, ayon sa mga awtoridad, habang nasa 30 kabahayan ang nawasak.

Nagkalat ang mga nasirang sasakyan na nabagsakan ng mga bagay, nabuwal ang mga puno, napinsala ang mga gusali at nagtumbahan ang mga poste ng kuryente, na nagdulot ng power outage sa higit 26,000 tahanan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Dalawang construction cranes din ang sinira ng buhawi, kung saan isa ang tumaob sa lugar na lumikha ng matinding pinsala.

Sa Suzhou, malapit sa Shanghai, isa ring buhawi na may hanging umaabot sa 200 kilometres kada aras ang nanalasa.

Apat na tao ang namatay habang isa pa ang nawawala, ayon sa awtoridad.

Makikita sa mga ibinahaging larawan sa social media ang maitim na buhawi habang winawasak ang mga dinaraanan nito.

Agence-France-Presse