TALAVERA. Nueva Ecija - Bumagsak na rin sa wakas sa kamay ng batas ang isang high value individual ng Drug Enforcement Unit ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3, sa ikinasang buy-bust operatrion sa Barangay Bacal 3, nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ni Talavera Police chief, Lt. Col. Heryl Bruno, ang suspek na si Eduardo Ibarra, 51, taga-naturang lugar.
Sa imbestigasyon ni Cpl. Edd John Miranda, may hawak ng kaso, agad dinampot ang suspek nang bentahan nito ng illegal drugs ang isang police poseur buyer.
Nakumpiska kay Ibarra ang tatlong pakete umano'y shabu na nagkakahalaga ng P47,000 at marked money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang isasampa laban kay Ibarra, ayon pa sa pulisya.
Light Nolasco