CAUAYAN CITY, Isabela - Sumuko sa mga awtoridad ang dating miyembro ng New People's Army (NPA) sa Barangay Villaflor, Cauayan City, Isabela, kamakailan.

Ayon sa Isabela Provincial Police Office, isinuko rin ni alyas 'Kikoy', 32, magsasaka at taga-nasabing lugar, ang 12-gauge shotgun nito.

Sa report ng pulisya, naging kasapi ito ng Central Front Reynaldo Piñon Command mula 2010 hanggang 2014.

Ang pagsuko ng nasabing dating rebelde ay resulta ng pinaigting na implementasyon ng Project SAGIP (Sustaining the Advocacy to Grind Insurgency in the Province) na programa ng Isabela Police Provincial Office.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Liezle Basa Iñigo